Another Cinderella Story
ʟᴀʏᴏᴜᴛ ʙʏ © ᴍ ᴏ ᴄ ʜ ᴀ
The layout was made specially for me.
All links open in a new tab.

 hindi ikaw ang diyos .
Pagod ka na ba ?
Pagod nang masaktan ..
Pagod nang umiyak ..
Pagod ka na bang umasa sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan .
Pagod ka na bang mamili kung ano ang TAMA at MALI ?
Pagod ka na ba ?
Pagod na makaramdam ng kahit anong emosyon dahil pagkatapos maging masaya ,
magiging malungkot ka ..
Pagod ka na ba sa kakabukas ng pinto para sa mga taong labas-pasok sa puso mo .
Pagod ka na bang maghintay na mapansin naman ang effort mo .
Yung hindi matumbasan , maappreciate ka man lang sana .
Pagod ka na bang magmahal ?
Minsan ayaw mo nang magmahal at magpahalaga .
Pero hindi mo mapigilan ang sarili na mahalin ang mga taong patuloy na binibigay sayo ..
Pagod ka na bang unawain sila .
Lagi na lang kasing SILA .
Ano ba ang mahalaga , ang PRIDE o sila ?
Hindi ba pwede na sa pagkakataong ito , sarili mo naman ang mahalin mo .
"Ikaw muna." Pagod ka na .

Sabi nila , 'wag mong pairalin ang pride kung ayaw mong mawala siya sa buhay mo ..
Pero pano ka ? pano ka mapapahalagahan kung sarili mo hindi mo magawang mahalin .

Sa sobrang pagmamahal mo sa kaniya nakalimot ka na ..
Pati ang TUNAY na driver ng buhay mo nakalimutan mo na .
SIYA na lumikha sa atin .
Sa sobrang pagmamahal mo sa kanila hindi mo na napansin na
sobra na .
tama na .
hindi mo kaya .
Tama na ang pagkontrol sa buhay mo na hindi naman dapat .
Nakalimutan mo na bang tao ka lang .. hindi ikaw SIYA .

Akala mo alam mo lahat .
Akala mo kaya mo .
PERO HINDI , dahil tao ka lang .
Marunong masaktan .
Marunong mapagod .
Kahit anong pilit mong maging bato , madudurog ka pa rin .
Lahat ng nagawa mo , para sayo talaga .
Natiis mo lahat ng natiis mo dahil sa KANIYA yun at hindi dahil sa kakayahan mo .
Wag mong ibuhos lahat ng pagmamahal mo sa iba na dapat sa KANIYA nakalaan .
Wag mong pilitin ang sarili mo na maging SIYA dahil mahirap magpaka-SIYA .
Wag mo SIYAng pangunahan kung ano ang gusto NIYA para sayo .
Lahat tayo may sariling pinagdadaanan at hindi natin yun kaya ng TAYO lang .
Wag kang pumuwesto sa DRIVER seat , hindi mo kabisado ang daan .
Baka lumiko ka lang patungo sa tamang landas .
Hayaan mong SIYA na lang , kung pwede lang .
SIYA na lang .

Labels:

"hindi ikaw ang diyos ." was Posted On: Monday, September 27, 2010 @12:08 PM | 6 lovely comments
 you just fall . :)
Ano ba ang feeling nang mainlove ?

Kapag hindi ka pa handang masaktan , hindi ka pa handang magmahal .
Kapag tinamaan ka ng pag.ibig ,
Alam mo dapat kung kailan maghohold.on at maglelet.go ..
Sa buhay natin , may mga bagay tayong hinahanap sa isang tao .
Yung gusto mo ganito .
Dapat ganyan .
Pero kapag nainlove ka , lahat yun mawawala ..
Ang importante , MAHAL MO SIYA .

Masarap magkaroon ng inspirasyon , lagi kang nakangiti .
Sa tuwing kasama mo sya , lagi mo siyang iniisip ..
Laging makakaramdam ng kaba kapag nariyan siya ..
Kapag kausap mo siya , tumatawa ka kahit wala namang nakakatawa .
Kahit gaano pa kabadtrip ang araw mo , madali niyang mapagaan ang loob mo ..
Napapangiti ka niya nang hindi siya mag.eeffort ..
Sa kabila ng mga ngiti , naroon ang pusong umaasa .

Minsan , "kung sino pa ang gusto mo , siya pa ang may ayaw sayo" ..
Kaya mas gusto mo pang ilihim yung nararamdaman mo dahil baka iwasan ka na lang niya kapag nalaman niya na mahal mo siya ..
Mas iniisip mo na mas mabuting magkaibigan na lang kayo ,
o baka naman umaasa ka na sa pagiging kaibigan mo sa kanya baka madevelop din siya sayo ..
Sabi nga nila , "Friends can be lovers ..
but lovers can't be friends . "

Pero kung alam mo naman na walang patutunguhan , mas mabuti ng umiwas ..
Habang hindi ka pa takot na mawala siya sa buhay mo ..
Wag kang umasa sa isang taong hindi ka naman binibigyan ng dahilan para umasa ..
Masakit kung manggagaling mula sa kaniya na desperada ka para makuha ang pagmamahal niya ..

Huwag mong hayaan ang sarili mong masanay nang nasasaktan at umaasa ..
Hindi mo lang alam , may isang tao dyan na ginagawa lahat para mapansin mo .
Kapag mahal mo ang isang tao , alam mo kung saan siya sasaya ..
Kahit na hindi ka parte ng kasiyahan na yun ..
Kapag nagmahal ka , handa kang masaktan .
Kapag umasa ka , handa kang mabigo .
Hindi masamang sumubok , ang mahalaga may ginagawa ka .
Hindi mo masasabing mahal mo siya nang hindi nasasaktan .
At ang pag.ibig , hindi sinusumbat .

"Don't find love , let LOVE find you .."
Kaya nga 'falling in love' ..
Hindi ka nya pinilit na mahalin siya ..
YOU JUST FALL .

Labels:

"you just fall . :)" was Posted On: Friday, September 24, 2010 @11:53 AM | 2 lovely comments
 tanong na mahirap hanapan ng kasagutan .
Ang PAG-IBIG kusa raw dumadating ,
at ang hindi mo lang alam .. kusa rin itong nawawala .
Masaya ang feeling kapag mahal niyo ang isa't isa .
Inspirado ka sa lahat ng ginagawa mo .
Pero hindi sa lahat ng oras masaya , diba ?
May pagkakataon na kasama mo siya pero parang hindi .
Nakikitawa siya sayo pero pilit lang .
Nagsasabihan kayo ng I LOVE YOU sa isa't isa dati ,
pero ngayon pag nagsabi ka ng I LOVE YOU sa kanya ,
ang sagot na lang niya sayo , "THANK YOU" ..

Ano ba ang problema niya ?
May nagawa ka bang mali ?
May pagkukulang ka ba ?

Kung minsan , iniiwan ka na lang nang basta-basta ..
Yung hindi mo alam kung kayo pa ba .
Parang ikaw na lang yung nagmamahal .
At umaasa ka pa rin na magiging okay din ang lahat .
Kahit alam ng puso mo na kahit kailan , HINDI NA .

Bakit ba siya ganun ?
May mahal na ba siyang iba ?
Pinagpalit ka na ba niya sa iba ?

Dati , sigurado ka na mahal ka niya ..
Pero ngayon , hindi na .
Mahal ka niya noon at nagmamahal na siya ng iba ngayon .

Sa isang break-up , minsan wala kang naririnig na dahilan .
Kundi ang salitang "SORRY" ..
Masakit dahil hindi mo mahanap ang sagot .
May mga tanong na mahirap hanapan ng kasagutan ..
Wala na kayo at humihingi ka pa rin ng closure .
Para san pa ?
Para ba unawain ang mga bagay-bagay ?
O gusto mo lang siyang makita at makausap ?

Pero minsan kapag mas nilalapit mo ang sarili mo sa kanya ,
mas lalo siyang lumalayo sayo ..
Pati nga friends niyo , umiiwas na rin sayo .
Kaibigan mo nga ba sila ?
sabi nga nila , makikilala mo ang tunay na kaibigan sa gitna ng kalungkutan .
Pero hindi naman kasi sa lahat ng oras nandyan sila na handa makinig sa problema mo .
Bawat tao may pinagdadaanan .

Minsan , mas okay na wag mo nang malaman ang sagot sa mga katanungan mo .
Kahit malaman mo yun , di mo rin naman matatanggap diba ?
Ano ba ang dapat mong gawin ?
Alam mo ang dapat . Nasasayo na yun .
Kung gagawin mo ba o hindi .
Sa huli , ang mahalaga matuto ka sa kung ano ang desisyon mo .

Labels:

"tanong na mahirap hanapan ng kasagutan ." was Posted On: Tuesday, September 21, 2010 @12:05 PM | 2 lovely comments
 dream .
kung panaginip lang din nman ang pag.uusapan ,
share ko s inyo ung panaginip ko last night ..

diba nasabi ko na sa inyo na namatay na
ung father earth ko ? :(
well , madalas ko sya mpanaginipan .
tapos last night ang panaginip ko eh nagpapaalam ako sa knya
kase may swimming kami sa sept.25 .. overnight which is
totoo ..
ang weird kase parang tunay diba ?
totoo ung magsuswimming ako with friends .
tapos aun , pumayag sya !
ndi ko tuloy alam kung maiiyak ba ko
or malulungkot ako ..

Labels:

"dream ." was Posted On: Monday, September 20, 2010 @10:14 AM | 0 lovely comments
 ME , YOU , US :|
GOD . YOURSELF . THE OTHERS

Sa buhay natin , may umaalis at may dumadating .
Sa tuwing tayo'y nasasaktan at iniiwan akala natin KATAPUSAN NA NANG MUNDO .
Akala natin hindi natin kaya ..
Akala natin walang hangganan ang kalungkutan natin .

Lahat ng kasiyahan may kapalit na kalungkutan ,
at ang kalungkutan may kapalit na kasiyahan .

Bakit mo sisirain ang buhay mo ?
dahil lang sa LOVE ??
dahil hindi makamtan ang hinangad na kaligayahan ??
Nakalimutan ba natin ,
"God loves us .. "
Kaya wala siyang binibigay na pagsubok na hindi natin kayang lampasan .

"Love is patient."
Hindi ito minamadali at lalong hindi pinipilit .
Malay mo ,
"God is busy writing the best lovestory for us."
Sabi nga ,
nakatadhana na ang taong para sa atin at makikita lang natin yun sa takdang panahon ..
di ba nga ,
ang tunay na nagmamahal marunong maghintay .
at ang pagmamahal ay nagsisimula sa 'yong sarili ..

"Love yourself."
bago ka magmahal ng iba ..
sarili mo muna ang isipin para maging handa sa sakit at luha ..
Sabi nila ,
kapag nagmamahal ka , hindi mo na iisipin ang sarili mo ..
pero kung minsan ang sobrang pagmamahal ay NAKAKASAKAL .
rason para iwan tayo :(
Magtira tayo para sa sarili natin ..

Kung iniwan ka man ng taong mahal mo ,
Hindi doon natatapos lahat .
Kung may natitira ka pang respeto sa sarili mo .
matuto kang MAG-LET GO ..
Minsan , kailangan natin hayaan ang isang tao na hanapin ang kanilang kaligayahan ..
We need to accept the fact na hindi siya para sayo ..
When you finally LET GO of the past , something is better coming along ..
Sometimes , if you can't SAVE the relationship at least SAVE your PRIDE .
"How can you love others effectively when you put yourself down all the time?"

MASARAP MAGMAHAL lalo na kung mahal ka rin ng taong mahal mo ..
Sa isang relasyon , dapat marunong kang magbigay ..
Pero dapat hindi SOBRA ..
TIWALA . isang bagay na dapat hindi mawawala ..
Minsan kahit sinasaktan na tayo ng sobra , mahal pa rin natin ..
Kahit ano pa sya o kahit ano pa ang kaya niyang ibigay kuntento na tayo ..
basta masaya TAYO .
dahil LOVE is UNCONDITIONAL ..

Give and don't expect ..
Advise , but don't order ..
Ask , but never demand ..

wag umasa dahil masasaktan ka lang ..
"If you love someone , let it go . If it comebacks to you without you having to plead and beg , it's yours forever. If it doesn't , then it was never meant to be."

"Love is not measured by the number of breaths we take , but by the moments that take our breath away . "

God loves you ..
You love the others ..

Labels:

"ME , YOU , US :|" was Posted On: Tuesday, September 14, 2010 @12:38 PM | 2 lovely comments
 True Love
"Love is like a broken glass. Sometimes it's easier to leave it alone than to hurt yourself trying to fix it."

kahit anong pilit nating ayusin ang isang bagay ,
hindi na natin ito maibabalik tulad nang dati ..
at kung patuloy nating ipipilit , masasaktan at masasaktan talaga tayo ..
bakit pa ba natin minamahal ang isang taong hindi naman tayo kayang mahalin ?
masakit diba ?
pero mas masakit na makita mo ang mahal mo na nagmamahal ng iba habang nagpapakatanga ka .

"Love is unconditional."

mahirap diba ?
yung tipong , ikaw lang ang nagmamahal ..
"To love unconditionally, you will have to learn to sacrifice your self, your desires, and most importantly your ego."

kapag nagmamahal tayo , laging may kasamang sakripisyo ..
wag umasa ng kapalit ..
dapat handa sa sakit at luha ..
di ba nga , mas masarap ang nasasaktan kesa mahalin ka ng napipilitan .

sabi nga ,
ang pag-ibig daw ay parang sugal . kung di ka marunong maglaro ,
tiyak hindi ka tatagal ..
ganun lang ba kababaw ang tingin natin sa pag-ibig ?
na ito ay isang laro lang ?
minsan na tayo nasaktan , minsan ng napaglaruan ..
kung patuloy natin itong paglalaruan , hindi natin matatagpuan ang tunay na kaligayahan ..
dahil ang tunay na nagmamahal , laging may katapat na tunay na pagmamahal .
at ang totoong nagmamahal , marunong magparaya .
hindi iniisip ang sarili , ang hangad mo ay kaligayahan niya ..
sa kabila nito , unti-unti namang nadudurog ang puso mo .
masakit pero dapat ..

"Love is patient."

Hindi biro ang maghintay at lalong hindi biro ang magmahal .
akala mo okay na ,
akala mo forever kayo na ,
pero mamamalayan mo na lang , dumating lang siya sa buhay mo ,
para paibigin at saktan ka ..

Mahirap mag.move-on kapag hindi mo yun matanggap .
Mahirap maintindihan ang isang bagay na ayaw mong malaman .

LOVE IS .. PATIENT
LOVE IS .. UNCONDITIONAL
LOVE IS .. KIND
LOVE IS .. TRUTH

"Never lose hope and keep on loving people who are dear and close to you, only then you will be able to live a completely satisfied and emotionally balanced life."

Labels:

"True Love" was Posted On: Monday, September 13, 2010 @10:05 AM | 8 lovely comments
 ikaw na . :(

Hindi natin maikakaila na talagang masarap magkaroon ng INSPIRASYON.


Siya na nagbibigay saya sa iyong puso ,

Siya na nagpapangiti sayo kahit gaano ka pa kabadtrip ,

Siya na nagpapakaba sayo sa tuwing darating ang pagkakataong pagtatagpuin kayo ,


Hindi kaya ang taong inaakala mo lamang isang inspirasyon ay ang nag-iisang taong lihim mong minamahal ?


Minsan nga dumarating sa puntong nagiging "OA" ka na pagdating sa taong inspirasyon mo .. =)

Andyan na yung lahat ng text messages niya ay hindi mo pagsasawaang ulit-uliting basahin .

At kung minsan pa ay iipunin mo pa at igagawa ng folder sa cellphone mo .

Kahit nga simpleng "ok" or ":)" lang ang message niya ay naka-save pa rin =)


Weird man kung iisipin mo , pero ipinapakita mo lamang kung gaano kahalaga ang isang taong iyon para sayo ..


Panay ang tingin mo sa profile niya sa facebook ,

Paulit-ulit ..

Pabalik-balik ..

at pangiti-ngiti ..

Kulang na lang ikaw na ang mag may-ari ng facebook niya ..


Minsan iniisip mo na sana hindi na lang tumatakbo ang oras sa tuwing makakasama mo sya ..

Na sana lagi mo siyang nakikita ..

Nakakasama ..

at nakakakwentuhan ..


Hindi mo alam unti-unti ka ng nahuhulog sa kanya pero sana dahan dahan lang baka kasi hindi ka niya masalo ..

Hindi naman masamang magmahal pero tandaan mo , may pagkakataong ang sobra ay nakakasama rin ..


Hindi mo alam kung gaano ka kahalaga sa akin ,

Hindi mo alam kung gaano ako kasaya sa tuwing kasama kita ,

Hindi mo alam kung gaano kita kamahal ..

At sana wag mong isipin na may expiration ka saken katulad ng tinanong mo saken dati :(


OO PARA SAYO TOH .. :(

Labels:

"ikaw na . :(" was Posted On: Wednesday, September 08, 2010 @11:52 AM | 0 lovely comments
 ndi lang ikaw ang nahihirapan . :|
Real tears are not those that fall from the eyes and cover the face, but those that fall from the heart and cover the soul.

There are always have a reasons, reasons for the good and the bad times, and more importantly a reason to an end.
We have more to learn, more to experience, and more loving left in this lifetime..

Don't waste your time loving someone who isn't willing to love you FOREVER..

It hurts when we risk our hearts and it ends up being broken ..

But what hurts even more is when we still hold on when we already know that we're waiting for NOTHING..

One of the hardest things you'll ever had to do is to let someone know you didn't love him anymore ..
BUT YOU HAVE TO ..

Letting go has never been easy,
and holding on can be as difficult. Yet, strength measured not by holding on but by letting go ..

It's hard to end love with someone,
but it's harder to continue loving someone when it is not the same love you started with.

Sometimes change is what's best, letting your heart break, and learning how to cope.

** Di Lang Ikaw by Juris Fernandez **

Pansin mo ba ang pagbabago?
Di matitigan ang iyong mga mata
Tila di na nananabik
Sa iyong yakap at halik
Sana'y malaman mo
Hindi sinasadya
Kung ang nais ko ay maging Malaya

Chorus:
Di lang ikaw
Di lang ikaw ang nahihirapan
Damdamin ko rin ay naguguluhan
Di lang ikaw
Di lang ikaw ang nababahala
Bulong ng isip wag kang pakawalan
Ngunit puso ko ay kailangan kang iwan

Pansin mo ba ang nararamdaman
Di na tayo magkaintindihan
Tila hindi na maibabalik
Tamis ng yakap at halik
Maaring tama ka lumalamig ang pagsinta
Sana'y malaman mong di ko sinasadya

Di hahayaang habang buhay kang saktan
Di sasayangin ang iyong panahon
Ikaw ay magiging Masaya
Sa yakap at sa piling ng iba

Labels:

"ndi lang ikaw ang nahihirapan . :|" was Posted On: Tuesday, September 07, 2010 @11:18 AM | 1 lovely comments
 stop.let go.take action
"Love is like a traffic light, there are three colors which becomes a guide for us to know when to stop, to let go and to take action."

STOP .
"Loving someone so much doesn't always mean they're the right one for us."

Hindi laging may happy ending kapag nagmamahal ka because true love never ends.
May pagkakataong mararamdaman mo ang sakit na dulot ng pagmamahal mo.
Masakit isiping may mga taong hindi kayang magpahalaga sa mga taong nagmamahal sa kanila.
Sabi nga ..
"It's better to accept the fact that you are not appreciated than to insist yourself to someone who never really see your worth."
Habang patuloy mong minamahal ang taong yun mas lalo kang nasasaktan dahil natatakot kang tanggapin ang maaari pang mangyari.
Na ang taong buong pusong mong minamahal ay bulag sa pagmamahal mo.
Hindi porket mahal mo ang taong yun sya na talaga ang para sayo.
Natatakot kang mawala ang taong pinakamamahal mo, pero sya ba takot ding mawala ka?

LETTING GO.
"Letting go doesn't mean giving up, but rather accepting that there are things that cannot be."

May mga bagay sa mundong hindi nakatakda para sa atin.
Maaring ang mga bagay na ninanais natin na maging sa atin sana ay iyon pang hindi kailanman magiging atin.
Kailangan mong matutong magparaya "let go" upang maka move on at maka get over tayo sa sakit ng nakaraan.
Loving someone is setting them free, letting them go.
Masakit?
OO. para sa katulad mong nagmamahal.
Never say goodbye because goodbye means going away and going away means forgetting.
to let go it's not to deny but to accept.
The hardest thing to do is letting go not because you want to but because you have to.
May mga taong darating sa buhay natin na syang muling magbabangon sa atin sa kabila ng pait ng nakalipas.
Huwag nating isarado ang puso natin dahil sa tayo'y nagparaya,
nagmahal o nasaktan. :((
kundi may taong handang pumasok muli.

TAKE ACTION.
"While someone breaks your heart, another someone is waiting to fix it."

Proceed with caution.
"Careful forethought to avoid danger or harm."
Natatakot tayong masaktan.
Natatakot tayong harapin ang pwedeng mangyari.
Natatakot tayong magmahal muli.
Kaya nga nauso ang salitang "courage". Yan ang kailangan natin to "take action".

Kung ang traffic light ay may yellow light para sa caution sign, sa love ganun din kung alam nating masasaktan lang tayo at di maaring pumapel,
huwag na natin pahirapan pa ng husto ang sarili natin.
Kung sa elevator, kung alam na nating siksikan na, huwag na tayong magsumiksik pa.
May hagdan naman ayaw lang natin pansinin.

STOP. LET GO.TAKE ACTION
---------------------------------------------------
from a video in youtube.com
naiyak ako dito ng konti . natuwa ako kaya share ko sa inyo ..

Labels:

"stop.let go.take action" was Posted On: Thursday, September 02, 2010 @10:21 AM | 3 lovely comments

« Older posts | Newer posts»

Copyrighted © TeaCakeHouse. All rights reserved. Thank you.
View with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Inspired by Kaith, Images from Cursor from Images from