Another Cinderella Story
ʟᴀʏᴏᴜᴛ ʙʏ © ᴍ ᴏ ᴄ ʜ ᴀ
The layout was made specially for me.
All links open in a new tab.

 tips for you guys =)

nakita ko lang toh sa notes ko nung High School ako. Share ko lang sa inyo =)


1. Hindi porket kayo na eh kampante ka na habangbuhay na syang nandyan.
--> hello ! kahit nga mag.asawa naghihiwalay eh. magsyota pa kaya ??
pag nag.isip na ang GF nyo kung worth it pa kayong kasama, LAGOT! you did something wrong for sure.
Or maybe you didn't do anything. Kaya sana always make her feel na ung ginagawa nyo habang nanliligaw kayo eh hindi lang para mapasagot sya. Kasi ang babalik-balikan nya kapag nagtanong na un eh siguradong ung panahon na ipinadarama mo sknya na sya ang pinakaimportante sa buhay mo. MEANING ung time na hindi pa kayo.
Ipagpatuloy sana kung gaano mo sya kadalas itext nun. Bigyan ng letters and small tokens.


2. Give her a reason to trust you.
--> MARAMING LALAKE ANG PATHOLOGICAL LIARS, or magaling gumawa ng lusot. Kaya sana wag kang magbigay ng pagkakataong isipin nya na hindi kayo honest sknya. At maraming babae ang PARANOID, either dahil nag.aalala sa inyo or nag.aalala baka may ginagawa ka ng kakaibang milagro.
Kahit papaano ipaalam nyo nman sknya na buhay pa kayo at kung ano ang nangyayari sa inyo. Lalo na kung hindi talaga kayo BUSY.
TRUST? Meron sya sa inyo pero sa nakapaligid sayo , WALA!!
And remember na ang girls may instinct yan. Tandaan nyo ayon sa PSYCHOLOGY, 80% ng instinction ng girls ay totoo.
Kung ang GF mo ay may isang girl na pinagseselosan khit pa anong paliwanag nyo eh hindi yan maniniwala. So kung mahal mo GF mo, try mo umiwas dun sa girl na un. Iwas away din un :)


3. Wag agad magbigay ng excuse kapag sinabi nya kung ano ang mali mo.
--> sana kpag may pinopoint out sa inyo ung GF nyo, wag nyo agad supalpalan ng kung ano-anong dahilan. Just give her a chance to explain why she thinks it's wrong instead of having her to listen to you to convince her you're right.
Mahilig kasi mag.justify ang mga lalake. GUSTO NYO KAYO ANG LAGING TAMA.


4. Tell her little things she used to hear from you.
--> Ask her how she is, kung kumain na ba sya, kung nagawa na ba nya ung dapat nyang gawin, etc..
CONSISTENT ka dpat, hindi ung isang araw ang attentive mo, the next day para kang bato na walang pakialam.
Tell her as often as you can that you LOVE her and that you MISS her.

Labels:

"tips for you guys =)" was Posted On: Friday, June 25, 2010 @10:11 PM | 4 lovely comments

« Older posts | Newer posts»

Copyrighted © TeaCakeHouse. All rights reserved. Thank you.
View with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Inspired by Kaith, Images from Cursor from Images from