Another Cinderella Story
ʟᴀʏᴏᴜᴛ ʙʏ © ᴍ ᴏ ᴄ ʜ ᴀ
The layout was made specially for me.
All links open in a new tab.

 5 months without you. :(
Ngayon ung 5th month death-sary ng Papa ko.
Yeah. Wala na po sya. :(
He died because of asthma. Naitakbo pa sya sa hospital kaso kinabukasan
biglang wala na . Iniwan na nya kami .
Parang "Papa, bakit? ilang months nlang gagraduate na ko . tapos ndi mo na makikita .
Para sa inyo pa nman un eh .. Gusto ko proud kayo sakin ."

Ang dami kong tanong .
Dumating pa sa point na pati si God tinatanong ko kung bakit .
Kung bakit sa dinamidami ng tao sa mundo , bakit ung Papa ko pa ung kinuha nya .
Bakit ndi nalang ung mga taong gumagawa ng masama para sa iba ?
Sobrang bait ng Papa ko kaya BAKIT SYA PA ?


Madalas kong mapanaginipan si Papa .
Pero ung panaginip ko , parang buhay lang sya .. Ung normal na araw lang samin .
Tapos kahapon , nasa cemetery kami (every Sunday namin binibisita si Papa)
biglang nagsalita ung Kuya ko .
Kuya : "Napanaginipan ko si Papa , pero nung nakaraan pa un ."
ako : "Anong sabi ni Papa ?"
Kuya : "Iba na itsura nya eh . Mapayat sya tapos medyo mahaba ung buhok tsaka mukha syang bata . "
ako : "baka nung binata pa si Papa"
Kuya : "nakahiga sya eh . tapos kinamusta ko sya , sabi nya OKAY NAMAN AKO"

Wala na . naluluha na ko nung mga eksena na un pero sobrang pinigilan ko ung emotion ko dahil andun si Nanay . Alam ko kasing iiyak din un kpag nkita nya kong umiiyak .

Yung dream ng Kuya ko about kay Papa , siguro SIGN un na OKAY lang si Papa kung nasan man sya ngayon . At alam kong ndi nya kami papabayaan .



Pa , Mahal na Mahal ka namin .. Sobrang MISS ka na namin ! :(

Labels:

"5 months without you. :(" was Posted On: Monday, August 23, 2010 @10:32 AM | 9 lovely comments

« Older posts | Newer posts»

Copyrighted © TeaCakeHouse. All rights reserved. Thank you.
View with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Inspired by Kaith, Images from Cursor from Images from