Another Cinderella Story
ʟᴀʏᴏᴜᴛ ʙʏ © ᴍ ᴏ ᴄ ʜ ᴀ
The layout was made specially for me.
All links open in a new tab.

 USAPANG SINGLE, TAKEN & HEARTBROKEN

Paano mo malalaman kung ang isang babae ay SINGLE, TAKEN o HEARTBROKEN?


kapag kinakausap mo ang:
* single. wala nang ibang sinasabi. kung ano ano lang. kung ano matripan niya.
* taken. walang ibang sinasabi kundi tungkol sa papabeybs niya.
* heartbroken. walang ibang sinasabi kundi tungkol sa papabeybs niya–dati. laging
sinusumpa ang mga lalaki lalo ang ex niya.

kapag usapang pagibig, ang:
* single. tahimik lang. di kasi nakakarelate. wala pa kasing experience. wala lang sa kanya.
* taken. puro positibo ang sinasabi sa pag-ibig na para bang walang negatibong bagay sa love. sinasabing worth it ang sakit para sa papabeybs niya. di pa kasi nakakaranas ng harteyk.
* heartbroken. ang pinakamadaldal. experienced at expert na! puro bigay advice sa mga friends. alam na ang mga baho ng pag-ibig.

kapag sa inuman, ang:
* single. ang behave. inom lang ng inom. banat ng banat. joke ng joke.
* taken. unti uminom. baka magalit si papabeybs.
* heartbroken. ang walang habas na tatagay hanggang magumaga. mura dito mura doon. lahat para kei expapabeybs. magpapakalasing, magwawala, tatawagan si expapabeybs, iiyak at magmamakaawa. feeling niya may susundo sa kanya. ambisyosa.

kapag tinext mo si:
* single. magrereply kaagad yan.
* taken. di yan magrerep. katext si papabeybs.
* heartbroken. malulungkot kapag nakita na ikaw lang yung nagtext at hindi si expapabeybs.

sa group messages, malalaman mo ang babae ay:
* single. kapag banat yan at jokes. kung hindi naman e wala lang.
* taken. kapag di na nagpaparamdam sa group message. kung pumuti man ang uwak, ang gm niya e tungkol sa happy lab at siyempre di mawawala si papabeybs sa eksena.
* heartbroken. kapag lakas gm. puro inspirational quotes para sa sarili. pero kung superr bitterr na e tungkol sa expapabeybs niyang sira ulo at sa mga mapapait na karanasan sa lecheng pag-ibig.

kapag inaya mong lumabas si:
* single. go lang. basta payag ang parents.
* taken. di pwede. kadate na naman si papabeybs. kung papayag siya, kasama si papabeybs. kung dapuan man ng sakit at pumayag, papaalam muna kei papabeybs bago sa magulang.
* heartbroken. tatanong kung kasama si expapabeybs. (may cases na kapag malandi ka, kapag sasama si expapabeybs e jojoin ka. meron din namang kapag kasama siya e bigla bigla ka na lang mawawalan ng pera at biglang mei maaalalang emergency.)

sa pananamit, si:
* single. kahit ano lang. kung ano sa mood.
* taken. simple lang. sabi kasi ni papabeybs kahit ano suot maganda siya.
* heartbroken. blooming! lahat mapapansin siya except expapabeybs. saklap. )

Labels:

"USAPANG SINGLE, TAKEN & HEARTBROKEN" was Posted On: Friday, July 16, 2010 @8:19 PM | 7 lovely comments

« Older posts | Newer posts»

Copyrighted © TeaCakeHouse. All rights reserved. Thank you.
View with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Inspired by Kaith, Images from Cursor from Images from