Another Cinderella Story
ʟᴀʏᴏᴜᴛ ʙʏ © ᴍ ᴏ ᴄ ʜ ᴀ
The layout was made specially for me.
All links open in a new tab.

 hindi ikaw ang diyos .
Pagod ka na ba ?
Pagod nang masaktan ..
Pagod nang umiyak ..
Pagod ka na bang umasa sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan .
Pagod ka na bang mamili kung ano ang TAMA at MALI ?
Pagod ka na ba ?
Pagod na makaramdam ng kahit anong emosyon dahil pagkatapos maging masaya ,
magiging malungkot ka ..
Pagod ka na ba sa kakabukas ng pinto para sa mga taong labas-pasok sa puso mo .
Pagod ka na bang maghintay na mapansin naman ang effort mo .
Yung hindi matumbasan , maappreciate ka man lang sana .
Pagod ka na bang magmahal ?
Minsan ayaw mo nang magmahal at magpahalaga .
Pero hindi mo mapigilan ang sarili na mahalin ang mga taong patuloy na binibigay sayo ..
Pagod ka na bang unawain sila .
Lagi na lang kasing SILA .
Ano ba ang mahalaga , ang PRIDE o sila ?
Hindi ba pwede na sa pagkakataong ito , sarili mo naman ang mahalin mo .
"Ikaw muna." Pagod ka na .

Sabi nila , 'wag mong pairalin ang pride kung ayaw mong mawala siya sa buhay mo ..
Pero pano ka ? pano ka mapapahalagahan kung sarili mo hindi mo magawang mahalin .

Sa sobrang pagmamahal mo sa kaniya nakalimot ka na ..
Pati ang TUNAY na driver ng buhay mo nakalimutan mo na .
SIYA na lumikha sa atin .
Sa sobrang pagmamahal mo sa kanila hindi mo na napansin na
sobra na .
tama na .
hindi mo kaya .
Tama na ang pagkontrol sa buhay mo na hindi naman dapat .
Nakalimutan mo na bang tao ka lang .. hindi ikaw SIYA .

Akala mo alam mo lahat .
Akala mo kaya mo .
PERO HINDI , dahil tao ka lang .
Marunong masaktan .
Marunong mapagod .
Kahit anong pilit mong maging bato , madudurog ka pa rin .
Lahat ng nagawa mo , para sayo talaga .
Natiis mo lahat ng natiis mo dahil sa KANIYA yun at hindi dahil sa kakayahan mo .
Wag mong ibuhos lahat ng pagmamahal mo sa iba na dapat sa KANIYA nakalaan .
Wag mong pilitin ang sarili mo na maging SIYA dahil mahirap magpaka-SIYA .
Wag mo SIYAng pangunahan kung ano ang gusto NIYA para sayo .
Lahat tayo may sariling pinagdadaanan at hindi natin yun kaya ng TAYO lang .
Wag kang pumuwesto sa DRIVER seat , hindi mo kabisado ang daan .
Baka lumiko ka lang patungo sa tamang landas .
Hayaan mong SIYA na lang , kung pwede lang .
SIYA na lang .

Labels:

"hindi ikaw ang diyos ." was Posted On: Monday, September 27, 2010 @12:08 PM | 6 lovely comments

« Older posts | Newer posts»

Copyrighted © TeaCakeHouse. All rights reserved. Thank you.
View with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Inspired by Kaith, Images from Cursor from Images from