Another Cinderella Story
ʟᴀʏᴏᴜᴛ ʙʏ © ᴍ ᴏ ᴄ ʜ ᴀ
The layout was made specially for me.
All links open in a new tab.

 tanong na mahirap hanapan ng kasagutan .
Ang PAG-IBIG kusa raw dumadating ,
at ang hindi mo lang alam .. kusa rin itong nawawala .
Masaya ang feeling kapag mahal niyo ang isa't isa .
Inspirado ka sa lahat ng ginagawa mo .
Pero hindi sa lahat ng oras masaya , diba ?
May pagkakataon na kasama mo siya pero parang hindi .
Nakikitawa siya sayo pero pilit lang .
Nagsasabihan kayo ng I LOVE YOU sa isa't isa dati ,
pero ngayon pag nagsabi ka ng I LOVE YOU sa kanya ,
ang sagot na lang niya sayo , "THANK YOU" ..

Ano ba ang problema niya ?
May nagawa ka bang mali ?
May pagkukulang ka ba ?

Kung minsan , iniiwan ka na lang nang basta-basta ..
Yung hindi mo alam kung kayo pa ba .
Parang ikaw na lang yung nagmamahal .
At umaasa ka pa rin na magiging okay din ang lahat .
Kahit alam ng puso mo na kahit kailan , HINDI NA .

Bakit ba siya ganun ?
May mahal na ba siyang iba ?
Pinagpalit ka na ba niya sa iba ?

Dati , sigurado ka na mahal ka niya ..
Pero ngayon , hindi na .
Mahal ka niya noon at nagmamahal na siya ng iba ngayon .

Sa isang break-up , minsan wala kang naririnig na dahilan .
Kundi ang salitang "SORRY" ..
Masakit dahil hindi mo mahanap ang sagot .
May mga tanong na mahirap hanapan ng kasagutan ..
Wala na kayo at humihingi ka pa rin ng closure .
Para san pa ?
Para ba unawain ang mga bagay-bagay ?
O gusto mo lang siyang makita at makausap ?

Pero minsan kapag mas nilalapit mo ang sarili mo sa kanya ,
mas lalo siyang lumalayo sayo ..
Pati nga friends niyo , umiiwas na rin sayo .
Kaibigan mo nga ba sila ?
sabi nga nila , makikilala mo ang tunay na kaibigan sa gitna ng kalungkutan .
Pero hindi naman kasi sa lahat ng oras nandyan sila na handa makinig sa problema mo .
Bawat tao may pinagdadaanan .

Minsan , mas okay na wag mo nang malaman ang sagot sa mga katanungan mo .
Kahit malaman mo yun , di mo rin naman matatanggap diba ?
Ano ba ang dapat mong gawin ?
Alam mo ang dapat . Nasasayo na yun .
Kung gagawin mo ba o hindi .
Sa huli , ang mahalaga matuto ka sa kung ano ang desisyon mo .

Labels:

"tanong na mahirap hanapan ng kasagutan ." was Posted On: Tuesday, September 21, 2010 @12:05 PM | 2 lovely comments

« Older posts | Newer posts»

Copyrighted © TeaCakeHouse. All rights reserved. Thank you.
View with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Inspired by Kaith, Images from Cursor from Images from