Another Cinderella Story
ʟᴀʏᴏᴜᴛ ʙʏ © ᴍ ᴏ ᴄ ʜ ᴀ
The layout was made specially for me.
All links open in a new tab.

 ikaw na . :(

Hindi natin maikakaila na talagang masarap magkaroon ng INSPIRASYON.


Siya na nagbibigay saya sa iyong puso ,

Siya na nagpapangiti sayo kahit gaano ka pa kabadtrip ,

Siya na nagpapakaba sayo sa tuwing darating ang pagkakataong pagtatagpuin kayo ,


Hindi kaya ang taong inaakala mo lamang isang inspirasyon ay ang nag-iisang taong lihim mong minamahal ?


Minsan nga dumarating sa puntong nagiging "OA" ka na pagdating sa taong inspirasyon mo .. =)

Andyan na yung lahat ng text messages niya ay hindi mo pagsasawaang ulit-uliting basahin .

At kung minsan pa ay iipunin mo pa at igagawa ng folder sa cellphone mo .

Kahit nga simpleng "ok" or ":)" lang ang message niya ay naka-save pa rin =)


Weird man kung iisipin mo , pero ipinapakita mo lamang kung gaano kahalaga ang isang taong iyon para sayo ..


Panay ang tingin mo sa profile niya sa facebook ,

Paulit-ulit ..

Pabalik-balik ..

at pangiti-ngiti ..

Kulang na lang ikaw na ang mag may-ari ng facebook niya ..


Minsan iniisip mo na sana hindi na lang tumatakbo ang oras sa tuwing makakasama mo sya ..

Na sana lagi mo siyang nakikita ..

Nakakasama ..

at nakakakwentuhan ..


Hindi mo alam unti-unti ka ng nahuhulog sa kanya pero sana dahan dahan lang baka kasi hindi ka niya masalo ..

Hindi naman masamang magmahal pero tandaan mo , may pagkakataong ang sobra ay nakakasama rin ..


Hindi mo alam kung gaano ka kahalaga sa akin ,

Hindi mo alam kung gaano ako kasaya sa tuwing kasama kita ,

Hindi mo alam kung gaano kita kamahal ..

At sana wag mong isipin na may expiration ka saken katulad ng tinanong mo saken dati :(


OO PARA SAYO TOH .. :(

Labels:

"ikaw na . :(" was Posted On: Wednesday, September 08, 2010 @11:52 AM | 0 lovely comments

« Older posts | Newer posts»

Copyrighted © TeaCakeHouse. All rights reserved. Thank you.
View with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Inspired by Kaith, Images from Cursor from Images from