Another Cinderella Story
ʟᴀʏᴏᴜᴛ ʙʏ © ᴍ ᴏ ᴄ ʜ ᴀ
The layout was made specially for me.
All links open in a new tab.

 UNTITLED.

I'mma blog using tagalog. Sorry for those who cannot understand this post.
---------
Medyo di ko naa-update tong blog ko, before kasi halos araw-araw yata eh may post ako kahit na wala naman nagbabasa or nagcocomment sa posts ko. haha!
Lagi naman akong online. Busy sa pagbabasa ng stories online, parang ung sa mga pocket books. Love stories yung pinagpupuyatan ko, oo pinagpupuyatan ko talaga.
Madalas nga 2AM na ko natutulog kakabasa, syempre kasama na dun ung pagpeFACEBOOK ko.

Sa mga nabasa ko, medyo natatauhan ako. Pero may time din na umaasa ako na sana tulad na lang ng mga ganung story ung love life ko.
Na pwede din akong magustuhan ng taong gusto ko. Pero ang labo naman nun. Ilang ulit na kasi nya nasabi sakin na hindi nya kayang suklian yung pagmamahal na binibigay ko sakanya.
OO. ALAM NYA YUNG TUNGKOL SA FEELINGS KO.
Umabot pa nga dati sa point na akala ng mga tao sa school boyfriend ko sya, effort din kasi sya minsan.
I mean may mga oras na sya ung nag-eeffort para magkita kami. Feeling ko tuloy dati gusto din nya ko.
Sorry naman, feelingera lang. Tapos ayun, After kong makagraduate, never na ulit kaming nagkita. Minsan nakakausap ko sya sa facebook pero madalas pinipili ko na lang na di sya pansinin.
Dati kasi tuwing nakkita kong online sya, nagchachat agad ako sakanya, pero ngayon hindi na. Mas lalo ko lang kasing sasaktan yung sarili ko kapag nagpatuloy pa kong makipag-usap sakanya.
Siguro hindi nyo ko naiintindihan, minsan tinatanong ko na din ung sarili ko kung bakit hindi ko sya mabitaw bitawan kahit na hindi naman naging kami so wala akong karapatan para sabihin na MAG MOVE-ON ka na kasi.
Parang di lang bagay sakin yung salitang yun. Mas bagay siguro yung salitang, "TUMIGIL KA NA SA PAG-IILUSYON MONG MAPAPANSIN KA NYA". Kasi never naman talaga mangyayari yun, lalo na ngayon na may girlfriend na yata sya.
So ayun nga, nakaHIDE na lahat ng post nya sa news feed ko sa facebook. Maigi na din siguro yung ganun kasi lagi akong affected sa mga post nya dati kahit naman alam kong copy/paste lang yung mga banat na pinopost nya as status message.

Kagabi kausap ko sa twitter ung friend ko na nakilala ko lang dahil sakanya, taga Adamson sya. Tapos sabi nya sakin na iblock ko daw ung lalaking yun sa lahat ng social networks na meron kaming connection. Sabi ko naman sakanya, parang ang bitter naman nun. Then nabanggit ko yung bout sa nakaHIDE na.
Okay daw yun, tulungan ko daw ung sarili ko para makalimutan ko sya.
Di ako agad nakatulog kagabi kakaisip tungkol dun. Affected pa rin ako kapag sya ung pinag-uusapan. Nasabi ko sa sarili ko, di pa pala talaga ko nakakalimot. All this time, niloloko ko lang pala yung sarili ko kapag sinasabi kong wala na kong pakialam sa kanya.

Alam ko na tingin nyo nakakaawa ako. OO, naaawa din ako sa sarili ko kung bakit ganito ung nararamdaman ko.
Naiinis na ko, bakit kahit lagi akong nasasaktan eh tuloy pa din ako sa pagmamahal sa kanya, eh di naman naging kami kaya madali lang na kalimutan sya.
Pero hindi ko magawa. BAKIT? :( Siguro nasanay lang din ako na andyan sa para sakin.

Sana nadidiktahan yung puso. Na isang sabi mo lang na "Tumigil ka na. Wag ka ng tumibok para sa lalaking yan." Pero hindi eh. Never matuturuan ang puso.
Alam ko ang tanga tanga ko pagdating sa ganito. Pero ngayon ko lang to naramdaman, ngayon lang ako nagmahal ng ganito. Yung gusto ko sya na, gusto ko forever sya lang.
Pero sya, iba yung gusto nya. Minsan nagtatanong ako kung bakit pa tayo pinagtatagpo ng tadhana kung hindi naman sila para satin.
Para saktan tayo? Para turuan tayo ng lesson? Ewan ko. Pero sana, hindi na lang sila binibigay or pinapakilala satin para di tayo nasasaktan. Sana lahat ng bagay na nangyayari eh para sa ikaliligaya natin at yung pang matagalan na.

Kung pwede lang talaga bumalik sa nakaraan ginawa ko na.
Sana hindi ko na lang sya nakilala. Ang bitter at unfair sa kanya pero masakit kasi talaga. Gets nyo?

KAKALIMUTAN KO NA SYA PROMISE.
"UNTITLED." was Posted On: Friday, September 02, 2011 @3:17 PM | 2 lovely comments

« Older posts | Newer posts»

Copyrighted © TeaCakeHouse. All rights reserved. Thank you.
View with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Inspired by Kaith, Images from Cursor from Images from