Another Cinderella Story
ʟᴀʏᴏᴜᴛ ʙʏ © ᴍ ᴏ ᴄ ʜ ᴀ
The layout was made specially for me.
All links open in a new tab.

 Mahal nila tayo.
Alam nyo girls, may sarili ding buhay ang mga lalaki. Hindi porket sinagot na natin sila eh kailangan dapat nandyan na sila kapag sinabi natin kahit napaka imposible.

Wag natin sila under-in. Masakit sakanila na isipin na inaalila natin sila.

Hindi natin alam kung gaano sila nahihirapan na isipin ang ireregalo para sa atin sa monthsary na wala naman sa dictionary. Hindi rin natin alam kung gaano sila naghihirap sa paghahanap ng pera para sa pang date sa atin.

Nagagalit pa nga tayo minsan pag sinabi nilang tayo ang sumagot sa pamasahe. At nagagalit pag na-late sila ng five minutes man lang, pero pag tayo naman ang late, tayo pa ang nagagalit kapag nagreklamo sila tungkol don.

Importante tayo sa kanila kaya wag na tayo paimportante pa. 1:10 ang ratio ng lalake sa babae. Kung hindi nila tayo mahal, matagal na nila tayong iniwan dahil sa kakadakdak natin tungkol sa mga walang kwentang bagay. Seryoso, mahal nila tayo pero wala silang pakialam tungkol don.

Ayaw nilang nakikitang malungkot tayo dahil hindi iyon ang dahilan kung bakit nahulog ang puso nila sa atin. Alam kong fragile tayo masyado pero, wag natin silang sigawan sa harap ng maraming tao. Nakakawala ng self-esteem at pagkalalake sakanila yun.

Wag rin tayong magalit AGAD-AGAD kung minsan ay aksidente silang napapatingin sa ibang girls. By chances lang siguro yun. Hindi tulad ng ginagawa natin pag kasama natin mga barkada natin. Hawak na nga natin kamay nila, naghahanap parin tayo ng pogi at makikipagtawanan pa sa mga kaibigan natin pag may nakita tayo.

Lahat naman ginagawa din nila para makausap tayo at makita. Hindi sila nanunumbat. At alam nating lahat na kahit anong gawin nilang mga lalaki na dahilan, tayo paring mga girls ang mananalo dahil hindi nila tayo kayang tiisin at mahal na mahal nila tayo.
"Mahal nila tayo." was Posted On: Tuesday, February 28, 2012 @4:03 PM | 0 lovely comments

« Older posts | Newer posts»

Copyrighted © TeaCakeHouse. All rights reserved. Thank you.
View with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Inspired by Kaith, Images from Cursor from Images from