Another Cinderella Story
ʟᴀʏᴏᴜᴛ ʙʏ © ᴍ ᴏ ᴄ ʜ ᴀ
The layout was made specially for me.
All links open in a new tab.

 Iba't ibang uri ng mga SINGLE.
1. No boyfriend/girlfriend since birth = Eto yung ayaw pang makipag relasyon dahil sguro may iba silang priority. Minsan masunurin lang sa mga magulang na ayaw pa silang payagan na pumasok sa isang relationship. Yung iba naman may required age para sa ganyan. Kunyare, sa 18 pa siya mag bbf/ggf. Parang ganun.

2. Takot na masaktan = Eto yung mga nasaktan ng sobra sobra sa past relationship nila. Kase parang ang point of view nila e, pare parehas lang ang magiging ending ng relationship nila. Naramdaman na kase nila kung gano kasakit ang masaktan, kaya ayaw na nilang sumugal pa ulit.

3. Nagpapahinga/Nagpapagaling ng sugat sa puso = Eto yung mga nagmmove on palang. Mga taong gusto munang makalimot. Para kapag nakipag relasyon na uli sila, kayang kaya uli nilang ibigay yung kaya nila para sa taong nagmamahal sakanila.

4. Sumusunod sa 3-month rule = Mga taong nag aantay muna ng 3 months bago makipag relasyon uli.

5. Nag-eenjoy sa mga manliligaw = Eto yung mga babaeng kinikilatis muna yung mga manliligaw nila. Kumbaga pinpahirapan muna nila bago sagutin.

6. Pag-aaral ang inuuna = Yung mga taong concentrate muna sa pag-aaral nila. Kase para sknila, sagabal lang yung pag-ibig. Gusto muna nilang magtapos bago unahin yung makikipag relasyon.

7. Nag-aantay sa kanilang soulmate/destiny = Yung mga taong nag-aantay sa tamang panahon, oras at pagkakataon. Naghihintay muna sila para makita yung THE RIGHT ONE.

8. Mga mag-M.U = Yung tipong more than friends but less than lovers. Minsan yung ganto, MALABONG USAPAN TALAGA! Kaya ayan, ang ending SINGLE parin.

9. Yung mga nag-eenjoy lang sa fling = Yung tipong kuntento muna sa flings. Sa infatuation. Sa crush. Kase feeling nila mas walang problema kung ganto lang. Libre pa!

10. Wapakels = Yung walang paki elam sa estado ng buhay pag ibig nila. Basta yun na yun!


"Iba't ibang uri ng mga SINGLE." was Posted On: Monday, March 19, 2012 @10:59 PM | 0 lovely comments

« Older posts | Newer posts»

Copyrighted © TeaCakeHouse. All rights reserved. Thank you.
View with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Inspired by Kaith, Images from Cursor from Images from