Another Cinderella Story
ʟᴀʏᴏᴜᴛ ʙʏ © ᴍ ᴏ ᴄ ʜ ᴀ
The layout was made specially for me.
All links open in a new tab.

 ipakita at iparamdam mo .
"I LOVE YOU"
Three words and eight letters .

Marami nang nainlove ,
Marami nang naloko ,
Dapat ka bang maniwala sa salita lang ?
Madali kasing sabihin diba ?
Pero nararamdaman mo ba ?
"Action speaks louder than words."
Mas importante daw na pinaparamdam sayo kesa yung sinasabi lang .
Pero ano ba ang mahalaga , "ang maramdaman o yung alam mo." ?
Dapat ka rin bang magpadala agad sa nakikita mo ?
Mahirap kasing maniwala sa salita man o sa gawa ..
Laging sinasabi niya sayo "Mahal kita" pero hindi mo maramdaman .
Sinasabi lang niya yun dahil nagtatampo ka .
Kahit na alam mong ito'y pambobola lang masaya ka dahil kahit papano narinig mo yun mula sa taong mahal mo ..
Pero ang totoo , nasasaktan ka dahil simpleng bagay hindi niya magawa ..
'ang ipakita na mahal ka niya.'

"I MISS YOU"
pero nagagawa ba niyang tumawag sayo ?
Yung mag-effort man lang sana na makita at makasama ka .

May mga tao rin na nahihiyang sabihin ang nararamdaman kaya dinadaan na lang sa gawa .
Pero baka nagkakamali ka lang sa nakikita mo , baka pinaparamdam lang niya sayo na mahalaga ka .
Mahirap naman umasa nang walang kasiguraduhan .
Hindi porket pinapahalagahan ka niya , MAHAL KA NA NIYA .
Hindi dahil sa mga pinapakita niyang effort sayo , MAHAL KA NA NIYA .
Maaari din niyang gawin sa iba yun .
Baka sadyang "playboy" lang siya .

Sabi nga nila ,
"Iba pa rin ang MAHALaga sa MAHAL."

Lahat ng pinapakita niya kailangan rin ng kumpirmasyon .
Baka nag.aassume ka lang .
Ikaw rin ang masasaktan sa huli .
Masarap yung pakiramdam na marinig mula sa kaniya na mahal ka niya at pinaparamdam niya rin sayo .
At hindi mo yun pagdududahan dahil alam ng puso mo na totoo lahat , na walang halong panloloko .
Madali magsinungaling pero mahirap magpanggap .
Ang puso sinisigaw nito kung ano ang gusto mo , hindi madali dahil may masasaktan ka .. pero kailangan mong maging patas sa lahat .
Sa buhay , ang salita ay hindi sapat .
Kung gusto mong maniwala siya sayo , IPAKITA MO . IPARAMDAM MO .

But LIFE is not all about actions , kailangan din ng salita para mas maunawaan ..

ACTIONS and WORDS are blend together .
Without the other , the other is not complete .

Labels:

"ipakita at iparamdam mo ." was Posted On: Saturday, October 02, 2010 @1:06 PM | 8 lovely comments

« Older posts | Newer posts»

Copyrighted © TeaCakeHouse. All rights reserved. Thank you.
View with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Inspired by Kaith, Images from Cursor from Images from