Another Cinderella Story
ʟᴀʏᴏᴜᴛ ʙʏ © ᴍ ᴏ ᴄ ʜ ᴀ
The layout was made specially for me.
All links open in a new tab.

 People are so judgmental.

Kapag medyo ke-kembot kembot kalang sa paglalakad tapos pakendeng-kendeng ka gumalaw sasabihan kang maarte, malandi. Pati ba naman yun pinupuna. Eh kung ganun naman talaga siya gumalaw at nakasanayan na. Alangan namang baguhin mo yung tao.

Kapag nakikipag-usap at nakikipag-tawanan ka lang sa isang lalaki, flirt ka na non. Ay, bawal na pala makipagkaibigan sa lalaki? Labag sa batas? I mean seriously, pati ba naman ito? Lahat nalang talaga may malisya. Konting galaw mo lang, nakikita ka na.

Kapag hindi ka lang ganun ka-popular, minsan dededmahin ka lang eh. Mababa tingin sayo. It’s like you don’t even exist. Tapos naman kapag sikat ka na, lahat may best friend sayo. Dagsaan ang nakiki-close sayo. Pwede bang pantay-pantay yung pagtrato sa tao?

Kapag nakiki-close ka lang sa ibang mga tao, FC ka na. Masama maging friendly? Bawal kumilala ng ibang tao? Para saan ang “communication” kung hindi naman gagamitin. Sheesh people, walang feeling close. Nagkataon lang talagang gusto makipagclose ng isang tao sa ibang tao.

Okay, sabihin na nating may mga malalandi, mayayabang, mga FC, mga flirt, maarte, etc. Pero tama ba naman i-judge sila? Know them first. Alam mo na palang ganun sila eh. Don’t rub it in. Wag mo na palakihin ang issue kasi hindi naman big deal. Respeto lang pwede? Wala naman kasing taong perpekto.

Labels:

"People are so judgmental." was Posted On: Monday, December 20, 2010 @2:11 PM | 9 lovely comments

« Older posts | Newer posts»

Copyrighted © TeaCakeHouse. All rights reserved. Thank you.
View with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Inspired by Kaith, Images from Cursor from Images from