Another Cinderella Story
ʟᴀʏᴏᴜᴛ ʙʏ © ᴍ ᴏ ᴄ ʜ ᴀ
The layout was made specially for me.
All links open in a new tab.

 15 MUST-KNOW FACTS ABOUT BOYS.
[sabi nya : ]

1. Madali kaming mag-selos - Hindi naman nawawala sa lalaki ang mabilis na pagseselos. Hindi mawawala saming mga lalaki ang magselos.

2. Umiiyak din kami - Madami kasing tao ang inaakalang hindi kami umiiyak kapag nagkakaroon ng away o LQ.

3. Nauubusan din kami ng pera - Hindi porke’t kami ang labas ng labas ng pera eh, mayaman na kami at hindi kami nauubusan ng pera.

4. Mahilig kami sa Online Game - Tanggapin nyo na, na hindi mawawala samin ang mawili sa mga online games (esp: Dota).

5. Kapag tumahimik kami, madalas may nararamdaman kami - Nahihiya lang kaming magsalita ng hinanakit o nararamdaman namin. Pero madalas nasasaktan din naman kami, kung si Superman nga may kahinaan, pano pa kaya kami?

6. Gusto namin na nilalambing kami -Kailangan naman nilalambing nyo kami, lalo na kapag nagkakaroon tayo ng away, hindi yung lagi nalang kami ng kami.

7. Gusto naming pinagluluto kami -Madalas kasi kaming mag daydream kaya, iisipin namin kayo na ang FM (Future Misis) namin.

8. Gusto naming kinakantahan kami -Lalo na kapag wala kami sa mood, na tanging boses nyo lang ang makakapagpa-kalma sa amin.

9. Hindi pa talaga kami maliligo, kapag sinabi namin na “maliligo na ako.” - Karamihan sa’ming mga lalaki ganyan. Do I need to elaborate this?

10. Nawawala rin kami sa mood - Hindi lang babae ang pwedeng mawala sa mood, isipin nyo rin naman kaming mga lalaki. Paano nalang pala kung nireregla rin pala kami?

11. Palabiro kami - Kaya kung may masabi man kaming hindi maganda o hindi ganoong kanais-nais pagpapasensyahan nyo naman kami.

12. Hindi nyo mawawala sa’min ang pagka-Vain - Yung pagtingin tingin namin sa salamin o pag-aayos namin. Syempre nacoconcious din kami sa iisipin ng ibang tao sa’min.

13. Mahilig din kaming makinig ng love songs - Kaya wag nyo namang iisipin na bakla kami dahil nakikinig kami ng love songs. Madalas yun ang nagpapakalma sa’min.

14. May insecurities din kami -Kaya wag nyo kaagad kaming jinujudge dahil sa mga nakikita nyo sa amin. O kung napapaisip kami ng hindi maganda.

15. Kapag inaasar namin ang mga babae madalas may gusto kami sakanya -Kaya wag kayong nagagalit kapag inaasar namin kayo.

Labels:

"15 MUST-KNOW FACTS ABOUT BOYS." was Posted On: Friday, April 01, 2011 @1:55 PM | 3 lovely comments

« Older posts | Newer posts»

Copyrighted © TeaCakeHouse. All rights reserved. Thank you.
View with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Inspired by Kaith, Images from Cursor from Images from